Nalusot sa drainage sa tapat ng Megamall
Pati motor riders bike lane na ang daan sa dami ng sasakyan
Kaya naipit ang likod
Na flat di naman nasemplang
Grabe ang mga bikers na dumadaan nagungumusta nagaalala
Kuya, 'tay bati nila
Sabi ko naman kaya pa
Yun pa lang pagtigil nila ayos na
Nilakad hangang sa Shell para mahanginan
Di kinayanan ng attendant
May singaw daw
Matagal naghihintay kung paano mapapaayos
Pahinga muna o pa charge ng mga ilaw
Hanggang sa . . .
Nilakad na sa Ortigas pabalik sa EDSA para nakauwi na
May anghel na nagpakita tumigil nagalok at inayos ang flat
Russell ang ngalan
Ayaw magpabayad, tumutulong lang
Taga Corazon San Juan na pauwi na
Nakauwi na din ako
Samantala . . .
Wala ito sa nakitang libo libong tao nagaabang ng sasakyan pauwi mula MOA, Roxas, Taft, Magallanes, Pasay Road, Ayala, Buendia, Guadalupe, Pioneer, Shaw, Mega, Ortigas
Umaapaw, nakapila, nangangarap, umaasa
Lahat pinapara, Grab, habal, taxi, trisikad, bisikleta, UV Express, colorum
Pero karamihan mula alas tres pa naglalakad
May bitbit, may mga bata, naka holding hands
Ika nga, sanay sa mga pagsubok
Makakauwi din pero pagod at sa anong oras
Sa ganitong kalagayan, sana exempted na sila sa pasan at pagdurusa ng mahal na araw
Ang makulay na kwento ko sa EDSA ngayon Mahal ng Myerkules
May konting penitensya ako pero walang wala sa penitensya ng mangagawang pinoy
No comments:
Post a Comment