Magaan ang dating ng gabing Ito tulad ng dati. Sa paglalim ng gabi, naiba dahil sa biglaang pangyayari.
Maliban sa mga kaibigan, dalawang tropa ang madalas bumisita sa akin, ang mga ibon at gala na pusa. Araw-araw, nasa bahay ang mga lumilipad at gumagapang na mga bisita. Para ko na ring ampon sila.
Ang nagiba sa gabing iyon ay ang kawalan ng isang ampon sa bahay. Siya rin ang kumakain sa mga tira tirang tinapay at laman ng pangang tuna din kinakain ng mga bisita.
Malinis ang balat, malusog at mabait. Siya din ang bantay ng ihawan pag tulog ako at wala sa bahay. Nakikiupo din siya sa silya.
Pero pag namasid niya ako, tahimik siyang umaalis. Siya ang pusang puti may itim at kulay abo sa balat. Di niya kinakakalkal ang basura tulad ng mga ibang salbaheng at gutom na pusa. Tahimik lang siyang sumisimot sa lupa para sa tapon na makakain.
Ngayong gabi, 29 Jan 2020, habang nanood ako ng You Tube Channel, tahimik siyang dumaan galing sa pader, naghanap ng pagkain pero walang nakita. Tinignan niya ako at unti unting tumalon sa pader palabas.
Pagkatapos ng eye-to-eye niya sa akin, pumasok sa isip ko kung bilhan ko kaya siya ng pagkaing pang pusa sa supermarket.
Nang gabing iyon, balak ko rin kumain ng hapunan sa labas. Di gamit ang kotse at maglalakad dahil mahangin naman at medyo malamig.
Maya't maya pa, habang nalilibang ako sa mga pagcover ng mga paborito kong singers, may malakas na hiyaw akong narinig. Isip ko, siguro nakakita ng daga sa labas o nakipag away sa mga asong gumagala kasama ng amo nila.
Pag labas ko sa kalye, may nakita akong pusa na nakabulagta sa kalye. Iyon pala ang iyak, iyak ng namamatay.
Napatigil ako sa paglalakad unti-unting di maintindihan ang emosyon. Nasaktan dahil sa pusa.
Sa paglalakad, may nakasalubong akong village guard. Sabi ko sa guard na hindi pinapakita ang kalungkutan ko, "Paki tignan nga ang isang gala ng pusa na mamatay sa kayle malapit sa amin. Parang nakipag away o nabangga."
Habang patuloy akong naglalakad, naguguluhan ako. Di ko malaman kung tumatakas ako o nagpipilit idedma ang trahedya.
Sa bawat hakbang, sumsariwa sa alaala ko ang titigan namin, ang pagtalon niya sa pader. Nakaraang munuto pa lang balak kong iresearch at bumili ng tunay na cat food. Sa ilang saglit, wala na siya. Wala na ang pasisiyahin ko sa aking balak.
Naiyak ako dahil naramdaman ko ang pagkawala ng isang buhay na di ko man inampon ay naging bahagi na ng buhay ko. Sa isang pusang unti-unting napalapit sa akin na nagawan ko ng plano kung paano siyang mananatiling malusog at malinis. Planong di na matutupad.
Pusa siyang di ko man lang nabigyan ng pangalan. Tulad din siya ng tao, nakikiramdam at ginagalang ako. Di man niya nalasap ang magandang plano kabubuo ko lang ng gabing iyon bago siya tumalon sa bakod.
Ganoon pala ang ramdam ng isang trahedya. Nalulungkot ako at di ko man lang makumbinse ang sarili ko na ganyan talaga ang buhay, may katapusan. Kasi kahit sa maiksing panahon, naging bahagi na siya ng buhay ko.
(Pagbalik ko sa paglalakad, nagkita kami muli ng guard. "sir, basag ang bungo. Nasagasaan. Bukas na lang namin lilinisin. Ililibing namin aa bakanteng lote. Mabait siyang pusa di po ba?" huling tanong pa niya.)
To see a world in a grain of sand and a heaven in a wild flower
Hold infinity in the palm of your hand and eternity in an hour
-William Blakes’ Auguries of Innocence
Ang makita ang kabuuan ng mundo sa isang maliit butil ng buhangin
Ang kagandahan ng buhay sa isang bulaklak
Mahawakan ang kawalang-hanganan sa kaliliitan ng palad ng kamay
Ang walang hanganang buhay sa kaiksihan ng isang oras lamang
-Interpretation mine
Auguries of Innocence written by William Blakes who died in 1827. The work was published in 1863. To quote the interpretation of Auguries of Innocence, “Auguries of Innocence is a collection of conflicting situations written as a kind of prophetic judgement. It pits the innocent against the mature, the rich against the poor, the elite against the underprivileged, and invites the audience to recognize the fragile beauty and balance found within nature.”
On his last rehearsal with UP Engineering Choir, a newly accepted member said goodbye to the group. He will physically leave the Diliman campus to pursue advanced studies for his doctorate in another country. Physically, he cannot be present for the rehearsals and shows.
In a post rehearsal social, which he and their conductor initiated, more than half of the members attended. Riding in a white Starex, the group raided the Ihawan 17 January Friday. Most of them were repeaters attending all three socials at the venue. There were new first timers. There were fall outs too. Like the previous gatherings, it enhanced their connections with each other strengthening their bonding.
Eto ang ganap.
- Gabi ni Kawi (Philip din ang ngalan). Engaged at unimon. Isa rin siya sa nangangalang Philip. Mainstay na si Kawi sa Ihawan. Present siya sa tatlong salu-salu at palaging galak makasama ang mga katropa.
- Engaged si Andrew na dumating na nakabisikyeta. Matino ang disposition kahit umiinon. Habang makikipagkwentuhan, pinapanood din ang palabas ng choir performance sa YouTube UP Engineering channel na mababa ang HD quality at ang views sa ngayon. Tumulong siya sa pagwalis ng bubog na mabasag na baso.
- Syempre gabi ni tatay. Bangkero sa games ang pasimula ng shot ng Johnny Walker Black sa mga game na choir members. Di ko lang mawari kung participant siya bilang choir member o bagong conductor ng choir.
- Ang sipag ni Rova. Parang nanay ng UP Eng Choir, tinitingnan ang pangangailangan ng lahat lalo na sa naglulutong kuya at si tatay. Pag lampas ng hatinggabi, kasama na siyang tumatagay at nakikipulutan. Bago nagpaalaman, naghugas ng mga gamit na plato, kubyertos at panluto.
- Paikot-ikot si Jude sa maliit na tambayan. Di naman umiinom pero nakikipagkulitan sa mga ibang myembro. Isa rin si Jude sa mainstays ng Ihawan na huling umaaalis. Pero ng gabing ito, maaga siyang nagpaalam.
- Game si Lemuel. Nakaupo sa prime seat. Harap sa TV monitor, birds eye view sa chess board at nakaupo tabi ni Thomas.
- Tahimik si Eunice pero nandoon siya. Low profile si Rochelle habang umiinon, kumakain at konting chikaan.
- Panalo si Philip sa chess. Tahimik ngunit pabalik-balik sa banyo.
- May sariling mundo naman si Thomas na naka online. Pero pag inaalok ni tatay ng shot, di tumatanggi hanggang tumanggi na din ang katawan niya.
Nagustuhan ang Post Modern Jukebox, Pentatonix sa YouTube. Masuring pinanood ang mga nakaupong UP Mads. Hinanhanap ang sarili sa UP Engineering Choir. Minsan ay nakikisabay sa koro.
Isang portion ng gabi, nagsing-along sa channel ng coverph ng You Tube. Di ako alam ang konsepto ng vocal harmony ng gabing iyon. Ang narining ko ay volume ng boses. Di pa naman nagreklamo ang mga kapitbahay.
Tahimik ang papalis na choir member. Huling rehearsal na niya sa gabing ito. Tulad ng dati, nagluto, nagpaapoy, nang ihaw at nakiinom. Iniisip siguro kung tatanggapin pa siya sa pagbalik niya.
Masaya ang gabing iyon. Sandali lang daw sila puro umabot naman ng alas tres ng umaga. Nakapagserbisyo naman ang Grab noong madaling araw na iyon.
Ang naalala ko ay sana sa term ni Pres. Philip, nakapag recording ang choir. Para may karagdagang legacy at magkasaysay ang pag hohost ko ng sosyals sa mga iskolars ng syensa na mahilig kumanta.
Alaala ng mga gabing nagbigay buhay nitong paskong 2019.
18 January 2020
The birds appear to be under stress and agitated. They may know something we do not know.
#TaalEruption2020 Latitude 14.676208 Longitude 121.043861
Post-holiday gatherings in the country which claimed to have the longest Christmas season have not been given as much significance as other parties associated with the holidays as office party, department party, family reunion, school homecoming etc. At best it is seen as merely a catch up.
Post-holiday parties are still seen as joyous moments because they ride on the infectious euphoria of the season where most (except the depressed) are in their elements. Thus like the gatherings post halloween, post all souls' day and the December socials leading to Christmas day up the new year, the mood is celebratory giving permission to temporarily set aside new year's resolution on food and liquor control.
Food and drinks are served unli. Seafoods (panga), sausages (beef), chicken (roasted) and beef (wagyu) are grilled from fire generated from fanned charcoal by an expert landing quickly at the table for immediate consumption while still steaming hot. Salmon sashimi served cold still remain cold mainly due to the comfortable weather. Drinks served by attentive server from familiar corporate ice box coolers even if several mLs are still waiting to be sipped seem to come from a bottomless box.
There was fun not from entertainment nor from presentation but from phoney talks on almost anything under the sun. Each one gamely contributed in pesos, jokes, anecdotes to create an amusing evening. As most are from sales, naturally each one has a dramatic story to tell.
Such is life in the company of friends. Unlike the December parties, post holiday parties are less stressful as there is no time limit and there is no next party obligation to think about. Party did not end because guests wished and knew there would be another post holiday party tomorrow (even if there was none.)
Ang bati sa okasyong ito ay maligayang pasko! Salamat sa lahat.
Larawan pinitik nina Lenard at Allan
Starting the new decade 2020 right
New destination set can be reached with a roadmap, skills, tools, patience, action steps
It is the break that makes the difference
Timing, be on the lookout, proactiveness
That is why we ask for intervention in prayers that the events be kinder
Seeding kindness for destiny to be favorable to us
To realize our grand destination
Happy new year
Manigong bagong taon, translated bullseye to the target for the year (makamtan ang hinahangad)