In a post rehearsal social, which he and their conductor initiated, more than half of the members attended. Riding in a white Starex, the group raided the Ihawan 17 January Friday. Most of them were repeaters attending all three socials at the venue. There were new first timers. There were fall outs too. Like the previous gatherings, it enhanced their connections with each other strengthening their bonding.
Eto ang ganap.
- Gabi ni Kawi (Philip din ang ngalan). Engaged at unimon. Isa rin siya sa nangangalang Philip. Mainstay na si Kawi sa Ihawan. Present siya sa tatlong salu-salu at palaging galak makasama ang mga katropa.
- Engaged si Andrew na dumating na nakabisikyeta. Matino ang disposition kahit umiinon. Habang makikipagkwentuhan, pinapanood din ang palabas ng choir performance sa YouTube UP Engineering channel na mababa ang HD quality at ang views sa ngayon. Tumulong siya sa pagwalis ng bubog na mabasag na baso.
- Syempre gabi ni tatay. Bangkero sa games ang pasimula ng shot ng Johnny Walker Black sa mga game na choir members. Di ko lang mawari kung participant siya bilang choir member o bagong conductor ng choir.
- Ang sipag ni Rova. Parang nanay ng UP Eng Choir, tinitingnan ang pangangailangan ng lahat lalo na sa naglulutong kuya at si tatay. Pag lampas ng hatinggabi, kasama na siyang tumatagay at nakikipulutan. Bago nagpaalaman, naghugas ng mga gamit na plato, kubyertos at panluto.
- Paikot-ikot si Jude sa maliit na tambayan. Di naman umiinom pero nakikipagkulitan sa mga ibang myembro. Isa rin si Jude sa mainstays ng Ihawan na huling umaaalis. Pero ng gabing ito, maaga siyang nagpaalam.
- Game si Lemuel. Nakaupo sa prime seat. Harap sa TV monitor, birds eye view sa chess board at nakaupo tabi ni Thomas.
- Tahimik si Eunice pero nandoon siya. Low profile si Rochelle habang umiinon, kumakain at konting chikaan.
- Panalo si Philip sa chess. Tahimik ngunit pabalik-balik sa banyo.
- May sariling mundo naman si Thomas na naka online. Pero pag inaalok ni tatay ng shot, di tumatanggi hanggang tumanggi na din ang katawan niya.
Nagustuhan ang Post Modern Jukebox, Pentatonix sa YouTube. Masuring pinanood ang mga nakaupong UP Mads. Hinanhanap ang sarili sa UP Engineering Choir. Minsan ay nakikisabay sa koro.
Isang portion ng gabi, nagsing-along sa channel ng coverph ng You Tube. Di ako alam ang konsepto ng vocal harmony ng gabing iyon. Ang narining ko ay volume ng boses. Di pa naman nagreklamo ang mga kapitbahay.
Tahimik ang papalis na choir member. Huling rehearsal na niya sa gabing ito. Tulad ng dati, nagluto, nagpaapoy, nang ihaw at nakiinom. Iniisip siguro kung tatanggapin pa siya sa pagbalik niya.
Masaya ang gabing iyon. Sandali lang daw sila puro umabot naman ng alas tres ng umaga. Nakapagserbisyo naman ang Grab noong madaling araw na iyon.
Ang naalala ko ay sana sa term ni Pres. Philip, nakapag recording ang choir. Para may karagdagang legacy at magkasaysay ang pag hohost ko ng sosyals sa mga iskolars ng syensa na mahilig kumanta.
Alaala ng mga gabing nagbigay buhay nitong paskong 2019.
18 January 2020
No comments:
Post a Comment