Friday, June 06, 2014

Walang Himala Sa Mount San Cristobal

Walang Himala Sa Mount San Cristobal

Higit trenta ang nagsidatingan.  6:45 na nang umandar
Biyahe ay mahusay, tuloy-tuloy sa patutunguhan
Mukhang ngang naiksihan, pinalampas pa sa babaan
Tambay sa Chowking, hanggang naging mga intsik
Tambay sa Texas Chicken, hanggang sa naging inahing

Major climb sa dyip
Minor lang sa mga sanay
Pero sa mga bagito at sa mga wala sa kundisyon
Hirap itong climb na ito!

Pacing ay maayos
Hindi nakakapagod
Kahit na pumapatak ang ulan
Enjoy pa rin sa akyatan

Lalo na ang mga taga Apo
Na karamihan ay Balagbag Boys
Yabang sa pagaasikaso
Panay sabing
Tulungan natin ang mga ito

Exclusive namin ang campsite
Pero kadalasan ay nakatayo
Kasi iisa ang bangko
At ang lupa naman ay di tuyo

Lahat ay bising nag-aatupag
Sa kanilang pagluluto
May sinigang at teriyaki
squid balls at carne norte
Wala namang nagsabi na ang ulam namin ay yaki!

Simple lang ang sosyals
Kulang nga lang sa buhay
Kulang di ba sa alcohol?
Siguro lahat ay takot
Baka sila mamilagro
Ngunit may isang ermitanyo
Pinupuna bawa’t anyo
Hanggang siya ay napagod
At bigla na lang napaluhod

May humabol na mama sa gabi
Siya ay binigyang puri
May humabol na tao sa umaga
Karamihan napatunganga

Tapos na ang pakikipagsapalaran
Pero mayroon pang katanungan
Nasaan ang himala?  Nasa dyip ba ito o sa backpack, sa ilog o sa Banahaw? Magamall ba o Makati? sa hangin, buwan, ulan at bituin?
Marahil ito ay magpapakita
Sa paa ng bawat isa
Aakyat ka pa ba?

Baliw!!!

Jazz, Elmer, Russell, Resil, Jun, Renan, Mayan, Ate Judith, Emil, Arlyn, Rina, Vincent, Rhoda, Gi, Noel, Enrico, Jerry, Jun-Allied Boy, Roy/ Errel, Mitch, Chito, Mike, Jonjon, Jerry, Loyd, Orly, Romy, Marlaw, Marlon, Jojo, Jeremy, Bitche, Jun-Cipriano, Juno/ Lex, Jojoy, Jojo Ramos, Grace


Kalokohan ni C2 15Oct97 EC 141-954434

No comments:

Post a Comment